The Tirad Pass Brigade (TPB) salutes former Lt. SG Antonio Trillanes for his victory in the past election. His election as senator proves that his platform and rebellion against the Arroyo government are supported by the people, including ourselves who are from the corps of officers and the rank and file of the military and police.
The TPB is a democratic movement of soldiers and police elements who have united to achieve important reforms in the Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, the government and Philippine society in general.
We support Sen. Trillanes in his stated objective of conducting, as his very first act in the senate, an investigation on the involvement of officers, intelligence units and their death squads in the killings and abduction of Leftist activists. The information we have confirm Sen. Trillanes’ assertion that the groups responsible for killing and abducting these activists are death squads controlled by intelligence units and receiving orders from high-ranking officers of the AFP, PNP and MalacaƱang.
Such an investigation by Sen. Trillanes will do good to the majority of soldiers and police forces who are not involved in these activities. An investigation like this will help pinpoint the masterminds and implementors of these killings and abductions and hold them accountable. Many previous investigations have pinpointed military and police officers as the perpetrators, but nothing has so far been done about this. Sen. Trillanes must pursue his investigation until this issue is resolved, especially since the guilty will surely try to block the exposure of their heinous crimes.
We will also support Sen. Trillanes’ plan to investigate corruption and other anomalies up to the highest echelons of the government, military and police, especially anomalies concerning the pensions, housing and health benefits of our soldiers and police elements.
We will likewise support Sen. Trillanes’ proposal to raise the salaries of ordinary government employees, including ourselves who belong to the AFP and PNP.
Sen. Trillanes can be assured of our full support for as long as he fights for the interests of the ordinary Filipino masses. He will receive even more support if he also pursues in the senate a wage hike for workers in the private sector and if he supports the implementation of genuine land reform.
We also believe that his support will broaden if he fights against US military intervention in the AFP and PNP. It would be good if he could also conduct investigations on the long-term presence of American soldiers within and outside military camps, especially in Mindanao.
With the stand he made in Oakwood in 2003 and his resistance to all attempts by high-ranking military and government officials to harass, deceive and bribe him, we expect him to remain steadfast. Indeed, we expect him to continue fighting despite all the intimidation, harassment and other legal and illegal impediments that the Arroyo government and the AFP top brass have set up against him and his family.
translation follows:
Pagbati ng Tirad Pass Brigade kay bagong Senador Antonio Trillanes (Hunyo 15, 2007)
Binabati ng Tirad Pass Brigade (TPB) si dating Lt. SG Antonio Trillanes sa kanyang tagumpay sa nagdaang halalan. Ang pagkapanalo niya bilang senador ay nagpapatunay na ang kanyang plataporma at paglaban sa gubyernong Arroyo ay sinusuportahan ng maraming mamamayan, kabilang na kaming mga upisyal at ordinaryong kasapi ng kasundaluhan at pulisya.
Ang TPB ay isang demokratikong kilusan ng mga sundalo at pulis na nagkakaisa para makamit ang mahahalagang reporma sa loob ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, gubyerno at buong lipunang Pilipino.
Sinusuportahan namin si Sen. Trillanes sa naipahayag niya na ang unang plano niya pagkapasok na pagkapasok sa senado ay itulak ang imbestigasyon sa mga kaso ng pagpatay at pagdukot sa mga aktibista ng Kaliwa at ang pagkakasangkot dito ng aming mga upisyal, mga yunit sa intelligence at ang kanilang mga death squad. Sang-ayon sa aming nalalaman ang sinasabi ni Sen. Trillanes na ang mga grupong pumapatay at nandudukot sa mga aktibista ay mga death squad na kontrolado ng mga intelligence unit at kumukuha ng order mula sa matataas na upisyal ng AFP, PNP at MalacaƱang.
Ang gayong imbestigasyon ni Sen. Trillanes ay makabubuti sa nakararami naming karaniwang sundalo at pulis na walang kinalaman sa mga pagpatay na iyon. Makatutulong ang ganitong imbestigasyon upang matukoy at mapanagot ang tunay na mga utak at nagpapatupad nitong mga pagpatay at pagdukot. Marami nang dating imbestigasyon ang tumukoy sa matataas na upisyal ng militar at pulis bilang mga salarin, pero wala ring nangyari. Kailangang maipursige ni Sen. Trillanes ang kanyang imbestigasyon hanggang sa malutas ang usaping ito, lalo na’t tiyak na pagsisikapan ng maysala na hadlangan ang paglalantad ng kanilang mga karumal-dumal na krimen.
Susuportahan din namin ang plano ni Sen. Trillanes na imbestigahan ang mga kaso ng korapsyon at iba pang anomalya hanggang sa kataas-taasang antas ng gubyerno, militar at pulisya, lalo na ang mga anomalya sa pamamahala ng pondo sa pensyon, pabahay at kalusugan naming mga sundalo at pulis.
Sinusuportahan din namin ang panukala ni Sen. Trillanes na itaas ang sweldo ng mga karaniwang empleyado ng gubyerno, kabilang na kaming mga nasa AFP at PNP.
Makaaasa si Sen. Trilanes sa aming lubos na suporta kung ipaglalaban niya ang interes ng karaniwang masang Pilipino. Lalong lalawak ang kanyang suporta kung ipupursige rin niya sa senado ang pagtataas ng sweldo ng mga trabahador sa pribadong sektor at kung susuportahan niya ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa.
Naniniwala rin kaming lalong lalawak ang kanyang suporta kung lalabanan niya ang pakikialam ng militar ng US sa AFP at PNP. Mainam din kung maiimbestigahan niya ang paglalagi ng mga sundalong Amerikano sa loob at labas ng mga kampong militar, lalo na sa Mindanao.
Sa kanyang ipinakitang paninindigan sa Oakwood noong 2003 at pagbigo sa lahat ng pagtatangka ng mga nakatataas sa militar at gubyerno na gipitin, linlangin at suhulan siya, inaasahan naming hindi siya titiklop. Sa halip ay inaasahan namin ang patuloy niyang paglaban sa kabila ng lahat ng pananakot, pagtugis at iba pang ligal at iligal na balakid na ginagawa ng gubyernong Arroyo at matataas na upisyal ng AFP sa kanya at kanyang pamilya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment